• 沒有找到結果。

Ang mga lumagda sa Karta ay nangangako na suportahan at ipatupad ang mga

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2022

Share "Ang mga lumagda sa Karta ay nangangako na suportahan at ipatupad ang mga"

Copied!
2
0
0

加載中.... (立即查看全文)

全文

(1)

1

Kung meron mang mga pagbabago o kataliwasan sa pagitan ng mga bersyong English/Chinese at Tagalog nitong dokumento, ang English/Chinese na bersyon pa rin ang siyang mananaig.

ANG KARTA NG PATAS NA PAGTRATO SA MGA MAMIMILI

Ang kumpiyansa at pagtitiwala ng mamimili ay ang mga simulain ng sustenableng pag- unlad ng mga bangko, na bilang kapalit nito itinataguyod ang katatagan ng pagbabangko at tumutulong na palakasin ang posisyon ng Hong Kong bilang nangungunang internasyonal na sentro ng pananalapi ng Asya. Upang makamit at mapanatili ang kumpiyansa at pagtitiwala ng mga mamimili, dapat patas na tratuhin ng mga bangko ang mga mamimili sa lahat ng mga yugto ng kanilang relasyon sa kanila.

Ang Karta ng Patas na Pagtrato sa mga Mamimili (ang Karta), na kumuha ng mga mabubuting kasanayan sa pagbabangko sa lokal at ibayong-dagat at mula sa mga Saligan na may Mataas na Antas ng G20 sa Pinansiyal na Proteksiyon sa Mamimili, ay isang katapatan ng mga bangko sa Hong Kong upang suportahan at isakatuparan ang saligan ng patas na pagtrato sa mga mamimili. Ang Karta ay pangunahing naglalayon sa mga mamimili ng tingi at idinisenyo bilang karagdagan, hindi baguhin, ang kasalukuyang batas o mga regulasyon o ang mga umiiral na kondisyon sa pagitan ng mga bangko at kanilang mga mamimili.

Mga Saligan

Ang mga lumagda sa Karta ay nangangako na suportahan at ipatupad ang mga sumusunod na saligan1:

1. Ang mga serbisyo at produkto sa pagbabangko ay dapat idisenyo upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamimili. Dapat suriin ng mga bangko ang mga pinansiyal na kakayahan at pangangailangan ng mga mamimili bago sila alukin ng serbisyo, payo o produkto. Sa pagbibigay ng payo o pagbebenta ng mga pinansiyal na produkto, dapat isaalang-alang ang interes ng mga mamimili, ang kanilang mga profile at ang pagiging kumplikado ng mga serbisyo o produkto ng pagbabangko na pinag-uusapan.

2. Dapat malinaw na ilatag at ipaliwanag ng mga bangko ang mga mahalagang katangian, maaaring panganib at kondisyon ng mga produkto, kasama ang anumang mga bayarin, komisyon o sinisingil na nararapat sa mga mamimili. Dapat magbigay ng angkop na impormasyon sa mga mamimili bago, sa panahon at pagkatapos ng pagbebenta.

3. Lahat ng mga promosyonal na materyal at impormasyon na idinisenyo para sa mga mamimili ay dapat tumpak at mauunawaan. Ang mga mapanlinlang na pagkatawan o kasanayan sa marketing ay dapat iwasan.

1Inilalatag ng Karta ang mga saligan na may mataas na antas at mga karagdagang talakayan ay isasagawa sa gitna ng mga bangko at Awtoridad sa Pananalapi ng Hong Kong na may kinalaman sa pagpapalabas ng ilang mga halimbawang generic upang suportahan ang implementasyon ng mga saligan.

(2)

2 4. Dapat ibigay ng mga bangko sa mga mamimili ang mga makatwirang paraan upang

magsumite ng mga paghahabol, magreklamo, humanap ng pagwawasto, at dapat hindi magpataw ng mga di-makatwirang sagabal sa mga mamimili kung magpalit silang bangko.

5. Ang mga bangko sa Hong Kong na nagnenegosyo sa pang-masang pamilihang tingi ay dapat magbigay ng resonableng akses sa mga batayang serbisyo sa pagbabangko sa mga miyembro ng publiko, na nagbibigay ng espesyal na pansin sa mga pangangailangan ng mga mahihinang grupo. Kinikilala na ang mga mamimili ay mayroon ding mga pananagutan, na dapat makipagsanib puwersa ang mga bangko sa pamahalaan, mga lupong namamahala at ibang stakeholder sa edukasyong pinansiyal upang itaguyod ang kaalamang pinansiyal.

參考文獻

相關文件

mangyaring obserbahan nang mabuti ang sarili ng 15 minuto pagkatapos umalis, ngunit para sa mga taong nagkaroon ng malala na reaksiyong alerdyi pagkatapos ng pagbabakuna o

Late Hīnayāna Caves of Western India, 1984, Poona.. 'bul)/de snyed kyi ni khri yang 'bul bar byed/ de snyed kyi ni khri'u 'ng 'bul war 'gyur/ gtsug lag khang yang de snyed (P.

PRINCIPAIS ESTATÍSTICAS DOS PROJECTOS DE OBRAS NOVAS, REALIZADAS NA CONDIÇÃO DE EMPREITEIRO PRINCIPAL, POR RAMO DE ACTIVIDADE – 2000 PRINCIPAL STATISTICS FOR MAIN CONTRACTORS AT

The writer is convinced that Seng-chao’s concept of the Saint should be interpreted as an activity which is, in a sense, similar to the basic nature of NG Yu-kwan’s concept of Pure

Por tfoli o asses sment : Inst ructional guide, Hong Kong: The Hong Kong Instit ute of Education.. Teachi ng t he C hines e

Objectives  To introduce the Learning Progression Framework LPF for English Language as a reference tool to identify students’ strengths and weaknesses, and give constructive

 With new ICE trains crossi ng Europe at speeds of up to 300 km/h, sound and vib ration levels in the trains ar e an important issue.  Hilliges/Mehrmann/Mehl(2 004) first

and3DWWHUVRQ*$  ³7KHG\QDPLFUHODWLRQVKLSRIYRODWLOLW\ volume, and market depth in currency futureV PDUNHWV´ JournalofInt ernat i onalFi nanci al... and